MENU

PAALALA

Tungkol sa Coronavirus

            Ang Konsuladong Panlahat ng Pilipinas sa Chongqing ay ipinapaalahanan ang lahat ng mga Pilipino na mag-ingat at panatilihing malusog ang pangagatawan sa harap ng kumakalat na “coronavirus” na nagmula sa Wuhan. Ayon sa mga balita, mayroon nang mga kumpirmadong nahawaan ng sakit sa iba’t ibang bahagi ng Tsina.

            Dahil dito, nais ibahagi ng Konsulado ang “Health Advisory” na nagmula sa Department of Health ng Pilipinas na nakalakip sa Paalalang ito para maiwasan ang sakit na dulot ng coronavirus. Hanggang maaari ay iwasan din nating magpunta sa matataong lugar.

            Kung kayo po ay may may nararamdaman na anumang sintomas ng sakit, maaari po lamang ay agarang dumulog sa pinakamalapit na ospital.

            Para sa iba pang katanungan, maaari pong tumawag sa +86 15823972513 o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..

            Maraming salamat.

 DOH Health Advisory